
Wala pa ring natatanggap na report ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung mayroong nadamay sa pagbagsak ng isang eroplano sa Ahmedabad, India.
Ayon kay, OWWA administrator Patricia YvonneCaunan, patuloy silang naka-monitor sa sitwasyon doon.
Matatandaang pumalo na sa mahigit 200 ang death toll sa nangyaring plane crash na sana’y tutungo sa London habang may isang naka-survive na edad 40-years old.
Kabilang sa mga sakay ng eroplano ay 217 adults, 11 na bata at 2 infants.
Una nang nagpaabot ng pakikiramay si pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng mga nasawi sa insidente.
Facebook Comments