P-Duterte, inaming allergic sa chocolate

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mahilig sa tsokolate.

Ayon sa Pangulo – mayroon siyang allergy dito na magdudulot sa kanya ng pagsusuka at pagkahimatay.

Ikinuwento ng Pangulo na nawalan siya ng malay matapos kumain ng isang sikat na tsokolate at nagising na lamang siya sa isang hotel clinic.


Isa pang insidente ay habang gumagawa ng prosecutorial work ang Pangulo ay nakaranas siya ng pananakit ng ulo matapos uminom ng tsokolate sa almusal.

Kaya payo ng Pangulo sa publiko na ugaliing tingnan kung may allergy sa tsokolate upang maiwasan ang epekto nito.

Facebook Comments