P-Duterte, may opisyal ng gobyerno na planong sibakin dahil magastos

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang opisyal ng Pamahalaan ang namumurong makasama sa mga opisyal na matatanggal sa posisyon.
Sa talumpati kahapon ni Pangulong Duterte sa harap ng mga myembro ng Dragon Boat Team ng Philippine Airforce na inimbitahan sa Malacanang ang hindi pinangalanang opisyal na ito ay natuklasang naging magastos sa kanyang mga biyahe sa labas ng bansa.
Paliwanag ng Pangulo, sumasakay sa first class seat sa eroplano ang opisyal na ito at presidential suite pa ang kinukuhang accommodation sa tutulyhang hotel sa ibang bansa.
Sinabi ng Pangulo, ilalantad niya sa publiko ang pangalan ng nasabing opisyal na wala aniya sa executive Department.

Facebook Comments