P-Duterte, nag-alok ng 10 milyong pisong pabuya laban sa lider ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon

Manila, Philippines – Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng sampung milyong pisong pabuya laban sa lider ng Abu Sayyaf at Emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Limang milyong pisong reward naman ang alok bawat isa sa magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año, si Hapilon ang nanguna sa mga terorista sa pag-atake sa Marawi City.


Ang reward kay hapilon ay bukod pa sa limang milyong dolyar na patong sa ulo na inaalok ng US government.

Umaasa naman ang AFP na malaki ang magagawa ng reward para makuha patay man o buhay sina hapilon at ang Maute brothers at matapos ang sigalot sa Marawi City.

DZXL558

Facebook Comments