P-Duterte, nagbiro na gustong gawing probinsya ng China ang Pilipinas

Manila, Philippines – Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing biro ang ibat-ibang usapin sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa West Philippine Sea.
 
Sa pagdalo sa 16th National Convention ng Integrated Bar of the Philippines sa Pasay City – nagbiro si Pangulong Duterte na gustong gawing probinsya ng China ang Pilipinas.
 
Kasabay nito, muling nagpasaring ang pangulo laban naman sa Amerika.
 

Facebook Comments