P – Duterte, pinangunahan ang dalawang proyektong pabahay

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremony sa pagtatayo ng dalawang proyekto ng pabahay ng gobyerno.

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte – unang pinasinayaan ng pangulo ang ‘biyaya ng pagbabago housing project’ sa barangay Los Amigos, Tugbok District Davao City.

Ang mga naturang pabahay ay laan para sa mga mahihirap na pamilya, nasunugan at mga sumukong miyembro ng New People’s Army o NPA.


Sumunod naman pinuntahan ng pangulo paglulunsad ng bagong AFP at PNP Housing Project sa Madayong Residences sa Barangay Talomo, Bangkal.

Sumentro ang talumpati ng pangulo – ang pagpapahalaga sa karapatan ng bawat pulis at sundalo.

Ang nasabing pabahay sa mga sundalo’t pulis ay kinakapalooban ng living, dining, laundry at airwell area, kitchen, balcony, bedroom at toilet.

Sakaling matapos ang mga proyekto kaloob ng gobyerno, panawagan ni Pangulong Duterte, alagaan at huwag ibenta o huwag pagkakitaan.
DZXL558

Facebook Comments