P1.1-B, ilalaan ng DA para sa magsasaka na nasa mga non-rice priority regions

Naglaan ng P1.1-B ang Department of Agriculture (DA) para sa crop diversification program.

Ayon kay Undersecretary Evelyn LaviƱa, layon nito na asistihan ang mga magsasaka na kabilang sa mga non-rice priority regions.

Plano ng DA na palakasin ang kita ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng financial at technical assistance para makapagtanim ng high-value commercial crops na akma sa kanilang mga rehiyon.


Abot sa dalawampuā€™t tatlong probinsiya ang natukoy ng DA na magta-transition na sa pagtatanim ng saging, kamoteng kahoy, niyog, mga high-value vegetables, kawayan at rubber.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang mga sumusunod:

ā€¢ Catanduanes (abaca)
ā€¢ Abra (saging)
ā€¢ Apayao at Tawi-Tawi (cassava)
ā€¢ Batanes, Guimaras, Sulu (saging)
ā€¢ Eastern Samar (niyog)
ā€¢ Benguet (high-value vegetables)

Facebook Comments