P1.1 Milyong halaga ng marijuana, nasamsam sa dalawang estudyante sa Bulacan

42

Aabot sa 1.1 Milyong halaga ng marijuana ang nasamsam sa dalawang estudyante sa buy-bust operation sa Balagtas Town sa Bulacan kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Paolo Licud 21 anyos at Mark John Paul Batena 18 anyos.


Ayon kay Balagtas Police Chief Major Restituto Granil, naggaling pa ang marijuana sa Mountain Province sa Cordillera.

Alam din daw ng mga magulang ng mga suspek na gumagamit ng iligal na droga ang kanilang mga anak.

Kinasuhan na ang dalawa ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers