P1.2 trillion halaga ng investment, target maabot ng Board of Investments ngayong taon

42

Target ng Board of Investments (BOI) na maabot ang P1.2 trillion halaga ng investment ngayong taon.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo, plano nilang lagpasan ang pinakamataas na record noong 2019 na umabot ng halos P1.14 trillion.


Nabatid na bumaba ng halos 10% ang naitala ng ahensya noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments