Itinurn Over ng Department of Health – Ilocos Region ang milyong halaga ng mga kagamitang pangmedikal sa lokal na pamahalaan ng Anda upang mas mapalakas pa ang pagtugon sa usaping pangkalusugan ng mga residente sa bayan.
Kinabibilangan ito ng automated external defibrillator, dalawang nursing kit, hematocrit centrifuge, hemoglobinometer, dalawang weighing scale with BMI calculator, chemistry analyzer, suction machine, at newborn hearing machine.
Kasabay nito ang pamamahagi rin mga assistive devices tulad ng walkers, elbow crutches at cannes sa mga seniors at PWDs sa bayan.
Makatutulong ang mga makabagong kagamitan upang makatanggap ng nararapat na serbisyong kalusugan ang mga residente, lalo na sa mga island barangay residents. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments