P1.6 bilyong halaga ng iligal na droga, nasabat sa Cavite

446

Nasabat sa isang buy-bust operation ang mahigit isang bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Cavite kahapon.

Tinatayang nasa 240 kilos ng shabu na may halagang P1.656 billion ang nakuha ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba’t ibang ahensya sa Brgy. Salitran 2, sa lungsod ng Dasmariñas ng naturang probinsya.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilfredo Blanco Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38 parehong residente ng Kasiglahan Village, sa Montalban, Rizal.


Ang operasyon ay kaugnay ng isa ring buy-bust operation sa isang bahay sa Cavite noong October 1 kung saan mahigit isang bilyong pisong halaga rin ng shabu ang na-recover at tatlong bodegero ang naaresto.

Facebook Comments