
Buo ang tiwala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na malaki ang maitutulong sa pagpapahusay ng edukasyon sa bansa ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na laanan ng 1-bilyong piso ang pagtatayo ng Child Development Centers sa 328 na mga maihihirap na komunidad sa buong bansa.
Binanggit ni Romuldez na ang nabanggit na pondo na bahagi ng Local Government Support Fund sa ilalim ng 2025 national budget ay titiyak na walang batang maiiwan pagdating sa edukasyon.
Katwiran ni Romualdez, hindi pwedeng puro senior high school lang o college scholarships ang tutukan dahil ang pagkatuto ay kailangan ding simulan sa pinaka-ugat o sa murang edad.
Ayon kay Romualdez, marami pa tayong kailangang ayusin sa ating sistema ng edukasyon, at mainam na simulan ang mas malawakang reporma sa pagtiyak na makakapag-aral kaagad ang mga bata o edad 0-4 years old.