
Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalaang drug pusher makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ang suspek na si alias “Sian”, 30 anyos.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng PDEA, nagsagawa ng buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite na nagresulta sa pagkaka-aresto sa naturang suspek.
Narekober sa suspek ang 1.5 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng ₱10,200,000.00, cellular phone, buy-bust money, drug paraphernalia at ang rental document.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.
Facebook Comments