P100-K cash grant para sa mga negosyo sa Makati, nakahanda na

72

Inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay nakahanda na ipamahagi ang P100,000 cash grant para sa mga negosyante ng lungsod na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ang nasabing programa ay nasa ilalim ng Makati Assistance and Support for Businesses (MASB).


Ayon kay Binay, umabot na sa halos 5,000 negosyonte ang nag-apply para sa nasabing cash grant.

Pero iginiit niya pa pwede pa rin humabol ang nais mag-apply nito sa pamamagitan ng website na www.proudmakatizen.com at hanggang Decemebr 31, 2020 ang deadline para ngayong taon.

Aniya, aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ang nakalaang P2.5-bilyong pondo nito para sa cash grant na nagkakahalaga mula P10,000 hanggang P100,000, depende sa uri ng negosyo at bilang ng empleyadong Makatizen.

Layunin din ng MASB Program na tulungang makabangon ang mga negosyo sa lungsod mula sa pandemya, kasabay ng pagpapasigla sa lokal na ekonomiya at pagbibigay ng seguridad sa trabaho ng Makatizens.




Facebook Comments