P100-M assets ng Kapa ministry, hawak na ng SEC

Hawak na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mahigit 100 milyong pisong assets ng Kapa-Community Ministry International Inc.

Ito ay kasunod ng kautusan ng Court of Appeals (CA) na freeze order noong June 4.

Ayon kay Secretary Chairperson, Atty. Emilio Aquino – nakarehistro rin sa Kapa ang nasa siyam na mamahaling sasakyan at helicopter.


Mayroon ding ospital, eskwelahan at iba pa.

Samantala, nasa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI) ang mga opisyal ng Kapa matapos i-utos ng Department of Justice (DOJ) habang inihahanda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong kriminal laban sa mga incorporators at opisyal ng Kapa dahil sa paglabag sa Securities Regulation Act.

Kabilang sa lookout bulletin ang founder ng Kapa na si pastor Joel Apolinario at walong iba pa.

Facebook Comments