P100-M na halaga ng smuggled frozen products, nakumpiska ng DA sa Navotas City

96

Aabot sa P100-million na halaga ng smuggled frozen products ang nakumpiska ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Task Group on Food Security On Economic Intelligence.

Ayon kay DA Assistant Secretary Federico Leciste, nakasilid ang mga smuggled frozen product sa 12 refrigerated container van nang masakote sa isang bakanteng lote sa Guillermo St., Brgy. San Rafael Village, Navotas City.


Kabilang sa nakitang paglabag ay ang kawalan ng import permit, handling at sanitation.

Ilan sa mga nasamsam ay mga karne ng baboy, manok, isda at shellfish.

Nagsasagawa na ng imbentaryo ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa nabanggit na puslit na produkto upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments