P100,000 halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Taguig City

Narekober ng mga operatiba ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu mula sa isinagawang buybust operation sa Barangay Western, Bicutan, Taguig City.

Kaakibat nito, naaresto ang isang 43 taong gulang na lalaki na siyang may dala ng nasa 15.3 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang P100,000.

Nai-turnover na sa Southern Police District Unit ang mga ebidensiya upang ito ay suriin.

Habang inihahanda na ang kaso laban sa suspek dahil sa paglabag nito sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa sa Taguig City Prosecutors Office.

Facebook Comments