P100,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang drug suspek sa Makati City

37

Arestado ang dalawang drug suspek matapos makuhaan ng mahigit 22 gramo ng shabu na may estimated street value na P155,000 sa Water Lily Street, Barangay Rizal, Makati City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Jonathan Lelis, alyas “Toper,” 27-anyos, residente ng Barangay Rizal, Makati City at Jay-R Cocjin, alyas “Toto,” residente ng Brgy. Pulong Candy Dulo, Taguig City.


Sa ulat ni Police Colonel Harold Depositar, Chief of Police ng Makati City Police Station, nagpanggap na buyer ang isang pulis kaya naging matagumpay ang buy-bust operation.

Bukod sa droga nakuha rin ng pulisya sa dalawang drug suspek ang caliber .45 pistol, caliber .38 revolver, 18 piraso ng caliber .45 service ammunition at 6 na piraso ng caliber .38 service ammunition.

Nakuha rin ang isang motorsiklo at P500 buy-bust money.

Facebook Comments