P1,000,000 | Reward money, inilabas para sa ikadarakip ng suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic

Manila, Philippines – Nag-alok na ng isang milyong pisong pabuya para sa ikadarakip ng suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic noong Miyerkules.

Kasunod ito ng paglalabas ng mga otoridad ng composite sketch ng suspected gunman.

Base sa kopya ng sketch, nasa edad 40 ang lalaking gunman, may taas na 5’8” hanggang 5’10” talampakan, chubby at kayumanggi ang balat.


Si Sytin ay nasawi matapos pagbabarilim sa labas ng lighthouse Marina Resort Hotel sa Subic Bay Metropolitan Authority Compound.

Siya ay Presidente ng United Auctioneers Inc. na isa sa mga pioneer sa pagbebenta sa mga second hand imported vehicles sa bansa.

Facebook Comments