P102,000 na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa drug raid sa Pasig City

83

Aabot sa mahigit P100,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Pasig City na nagresulta sa pagkatimbog ng limang drug personalities.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestadong drug personalities na sina Candy de Guzman, Fritz de Guzman, Orestes Perez, Alden Combalicer at Louie Ric Quilas.


Bitbit ang search warrant na inisyu Executive Judge Danilo Cruz ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152, sinalakay ang bahay sa 15 A. Santos, Barangay Buting na magsisilbing drug den.

Nakumpiska sa drug operation ang 15 gramo ng hinihinala at iba’t ibang uri ng droga at drug paraphernalias.

Facebook Comments