P11.8 m na halaga ng shabu nasabat sa Butuan City; apat na suspek nanlaban, isa patay

213

Butuan City, Philippines – Isa ang patay, dalawa ang sugatan, habang isa naman sa apat na mga suspek ang nakatakas sa drug buy bust operation kagabi sa km. 6, Brgy. Libertad, Butuan City na humantong sa barilan matapos umanong manlaban sa mga pulis ang mga suspek.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Labares Abordo, 36 anyos, residente ng P-1, Brgy. Sabangan, San Isidro, Davao Del Norte at ang dalawang sugatan ay sina Johny Villagonza Calawigan at Reneboy Guno, parehong nakatira sa bayan ng San Francisco, Agusan Del Sur na patuloy pang ginagamot ngayon sa hospital.

Aabot naman sa 11.8 milyong pisong halaga ng shabu, apat na caliber 45 pistol, mga magazine at iba pang gamit ang nasabat.

Napag-alaman na ang mga suspek ay galing pa sa Cagayan De Oro City sakay sa ford escape colored yellow na may plate number na Xra-738 nang mangyari ang drug operation ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng BCPO sa pamumuno ni Psupt. Rowena Martinez, chief intelligence section ng team leader sa CDEU kasama ang mga kasapi ng BCPS 3, PDEA 13 at 23rd IB, Philippine Army.
DZXL558

Facebook Comments