P11.8 m na halaga ng shabu nasabat sa Butuan City, apat na suspek nanlaban, isa patay

84

Butuan, Philippine – Isa ang patay, dalawa ang sugatan at isa sa apat na mga suspek ang nakatakas sa Drug buy bust operation kagabi sa Km. 6, Brgy. Libertad, Butuan City na humantong sa barilan matapos umanong manlaban sa mga pulis ang mga suspek.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Labares Abordo, 36 anyos, residente ng P-1, Brgy. Sabangan, San Isidro, Davao del Norte at ang dalawang sugatan ay sina Johny Villagonza Calawigan at Reneboy Guno, parehong nakatira sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur na patuloy pang ginagamot ngayon sa hospital.

Aabot naman sa 11.8 milyong pisong halaga ng shabu, apat na caliber 45 pistol, mga magazine at iba pang gamit ang nasabat.

Napag-alaman na ang mga suspek ay galing pa sa Cagayan de Oro City sakay sa Ford Escape colored Yellow na may plate number XRA-738 ng mangyari ang drug operation ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng BCPO sa pamumuno ni PSupt. Rowena Martinez, Chief, Intelligence Section ug Team Leader sa CDEU kasama ang mga kasapi ng BCPS 3, PDEA 13 at 23rd IB, Phil. Army.
DZXL558, Sasie Babar

Facebook Comments