P12 billion na pondo ng PAGCOR para sa paglaban sa COVID-19, inilabas na

219

Opisyal nang na-i-release ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P12 billion cash dividends sa National Treasury para saluhin ang epekto sa ekonomiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, ang nasabing halaga ay mas malaki ng 44.74% kumpara sa nakasaad sa Republic Act 7656, kung saan inaatasan ang mga  government-owned and controlled corporations (goccs) gaya ng PAGCOR na mag-remit ng 50% ng kita nito sa pamahalaan.


Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang remittance na ito ng PAGCOR ay malaking kontribusyon sa paglaban ng pamahalaan sa COVID

Maliban sa nasabing P12 billion cash dividends, ang PAGCOR ay nauna nang nag donate ng kabuuang P2.5 billion sa national government bilang tulong sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments