P122.4M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA matapos matimbog ang anim na drug suspects sa Las Piñas

322

Arestado ang anim na katao kabilang ang isang menor de edad matapos makumpiskahan ng P122.4 milyon na halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Las Piñas City.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Tionquiao St., Gatchalian Subdivision sa nasabing lungsod.


Nasamsam sa mga suspek ang 18 kilos ng shabu, iba’t ibang unit ng cellphone na gamit sa transaksyon, isang pearl white Mitsubishi Xpander at isang pulang Kia Rio na gamit ng mga suspek sa transportasyon.

Facebook Comments