P13.9 million halaga ng shabu, nasabat sa ikinasang drug buy bust operation sa Marilao, Bulacan

Naaresto ng mga awtoridad ang isang high value drug suspect matapos ang isinagawang drug buy bust operation sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Red Maranan nakuha sa suspek na kinilalang si Marlon Palmario ng Caloocan City ang 2,000 gramo ng shabu na may street value na P14-M.

Nasakote si Palmario sa Brgy. Loma De Gato habang ito ay nagbebenta ng shabu sa isang undercover na pulis.


Hawak na si Palmario ng mga awtoridad at nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments