P13M halaga ng marijuana bricks, nasabat sa isang van sa Clark Freeport

93

Nasabat ng mga operatiba ng Regional Mobile Force Batallion-3 ang isang van na puno ng marijuana bricks sa loob ng Clark Freeport Zone kaninang umaga


Sa inisyal na ulat, tinangka umanong tumakas ng driver ng van sa control checkpoint ng PNP.

Nang abutan ng mga awtoridad, dito na nila nadiskubre ang patong-patong na bricks ng marijuana sa loob ng sasakyan.

Dinala ang mga ebidensya at ang suspek sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa proper documentation at disposition.

Facebook Comments