P170-K halaga ng shabu, nasamsam sa Marikina City; Dalawang suspek, arestado

49

Nasabat ng mga otoridad ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000 matapos ikasa ang buy-bust operation sa isang bahay sa Balubad Settlement, Brgy. Nangka, Marikina City, pasado alas-6:20 kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Teodoro Cortez Alburo, 41 taong gulang at Ferdinand Bie Panuncio, 22 taong gulang na parehong residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat ng Marikina Police, minanmanan nila ang mga suspek kaugnay sa pagbebenta ng iligal na droga sa naturang lugar.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung saan kinukuha ng mga suspek ang shabu at kung sino ang nagbibigay sa kanila nito.

Nakakulong na ang ang mga suspek sa Marikina Philippine National Police at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments