P18.98-M tourism road project sa Catigbian, Bohol, tapos na

241

Masayang ibinalita ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang road concreting project sa kahabaan ng Catigbian-Canmano Road’s Catigbian Section.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng P18.98 million ay magbibigay ng access sa publiko o sa mga bumibisita sa Bohol sa ilang mga tourist destinations nito tulad ng Bohol’s Sagbayan Peak, Chocolate Hills, at Danao Adventure Park.

Layon din ng newly-improved road na maabot ang standards ng agri-industrial sector sa naturang lungsod.

Aniya, bahagi ng proyekto ang pag-upgrade ng 800-meter gravel road na ginawang two-lane concrete road at nilagyan na rin ng arm post street lightings.

Ang pondo para sa naturang proyekto ay mula sa General Appropriations Act (GAA) of 2020.

Facebook Comments