P2.7-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa isang suspek na nasa drug watchlist sa Pampanga

254

Nasabat ng pulisya ang P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa kanilang isinagawang anti-illegal drugs operation sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, sa operasyon naaresto ang isang Arnel Gonzales, 30 anyos na residente ng Barangay Pandan sa Angeles City, Pampanga.


Si Gonzales ay nasa drug watchlist ng PNP at kilalang sangkot sa bentahan ng droga sa Mabalacat at Angeles City, Pampanga.

Narekober sa kanya ang 400 gramo ng iligal na droga, digital weighing scale at isang pulang kotse na may plaka na TLE296.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Mabalacat City Police Station ang suspek at mahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments