P200,000 pabuya para sa makapagbibigay-impormasyon sa pagsunog ng isang bus, alok ng gobyerno ng Cotabato at M’lang

352

Aabot sa P200,000 pesos ang ibibigay na pabuya ng lokal na gobyerno ng Cotabato at M’lang para sa makapagbibigay-impormasyon sa nangyaring pagsunog sa bus na ikinasawi ng tatlong katao.

Ayon kay Cotabato Governor Nancy Catamco, magbibigay siya ng P100,000 pabuya habang P100,000 din ang ibibigay na pabuya ng M’lang para sa sinomang makatutulong sa ikareresolba ng insidente.


Nabatid na nitong Huwebes nang binabagtas ng isang bus ang Barangay Bialong sa M’lang papuntang Tacurong City sa Sultan Kudarat bandang alas-4 ng hapon nang mangyari ang panununog.

Tatlong katao ang nasunog nang buhay habang anim ang sugatan.

Tiniyak naman ni Catamco hindi nila palalagpasin ang nangyari at inatasan ang kapulisan para laliman pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments