P270M NA HALAGA NG IPINUSLIT NA SIGARILYO SA CAPAS, TARLAC, NAHARANG NG NBI MATAPOS MAPAG-ALAMANG IBINEBENTA PA ITO ONLINE

Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang libo-libong mga kahon ng sigarilyo na ipinuslit sa Capas, Tarlac.

Sa inisyal na imbestigasyon ng operatiba, nakatakda na dapat na sirain at sunugin ang mga produkto matapos itong unang mabisto na ng Bureau of Customs o BoC.

Sa panayam kay NBI Director Jaime Santiago, isinailalim sa surveillance sa pamamagitan ng cyber patrolling ng ahensya matapos mapag-alamang ibinebenta pa ang mga smuggled cigarettes online.

Dito ikinasa ang entrapment operation kung saan naghanda ang pamunuan ng nasa P17.5M na boodle money at truck na pagsasakyan ng mga sigarilyo.

Kumagat ang dalawang suspek na nakilalang isang consultant at plant manager at dito na inaresto ang dalawa. Umaabot sa P270M ang halaga ng nasa tatlumpong bilang ng mga pakete ng sigarilyo ang nasamsam.

Nasa P150M din ang nalulugi o nawawala mula sa gobyerno dahil sa hindi nito pagbabayad sa excise tax o buwis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments