Arestado ang isang 52-anyos na tricycle driver sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Carmen West, Rosales, Linggo ng gabi.
Nasabat sa operasyon ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 40.87 gramo at tinatayang halagang P277,916.
Nahuli ang suspek matapos bentahan ng droga ang isang poseur buyer.
Kulong ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments