P3.2 milyong financial request para sa training ni Carlos Yulo sa Japan, aprubado na ng PSC

42

Aprubado na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P3.2 million na financial request ng Gymnastic Association of the Philippines (GAP) para sa training sa Tokyo, Japan ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo.


Ayon kay GAP President Cynthia Carrion, kabilang sa paggagamitan ng tulong ay ang rental sa dalawang gymnastic facilities na aabot sa P1.8 million mula Agosto hanggang Disyembre; P1.7 million para sa living allowance at P200,000 sa miscellaneous expenses nito.

Maglalaan din ang PSC ng sports medicine experts team gaya ng psychologist at nutritionist.

Si Yulo ay kasalukuyang nagsasanay kasama ang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya sa ilalim ng mahigpit na health protocols.

Facebook Comments