P3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA at QCPD sa Quezon City

68

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 o PDEA R3 at Quezon City Police District (QCPD) Police Station 6 ang shabu na nagkakahalaga ng P3.4-M.

Ito’y matapos matimbog ang dalawang drug personalities sa isang buy-bust operation sa bahagi ng Commonwealth Ave., Barangay Batasan Hills.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestado na sina Dionisio Infante Jr., 24-anyos at Arnel Corre.

Isang PDEA agent ang bumili ng 500 grams ng shabu sa halagang P700 mula sa mga suspek.

Nang magpositibo, ibinigay ang senyas at dito na dinampot ang dalawa.

Facebook Comments