P316-M halaga ng frozen meat at mga pekeng produkto, nasabat ng BOC

49

Nasa P316 milyong halaga ng frozen meat at mga pekeng produkto ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa BOC, laman ng kargamento ang P16 million na halaga ng frozen meat, Peking duck at black duck mula sa storage facility sa Navotas City.


Habang nasabat naman sa isang storage facility sa Pasay City ang nasa P300 milyong halaga ng mga produktong may paglabag sa intellectual property rights.

Sumasailalin na sa imbentaryo at imbestigasyon ang mga produkto para sa posible ring paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)

Facebook Comments