P340,000 halaga ng shabu nakumpiska sa drug suspek sa Las Piñas

49

Narekober ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang nasa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 340,000 pesos sa isang drug suspek sa ikinasang buy bust operation sa Padre Diego Sierra Road, Elias Aldana, Las Piñas City.

Kinilala ang drug suspek na si Ryan Sta. Rita 31 anyos, residente ng Barangay Interior, Elias Aldana, Las Pinas City.


Sa ulat National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit dahilan para maaresto ang suspek at makuha ang shabu at isang 500 peso bill.

Sa ngayon nahaharap na ang suspek sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments