P34K HALAGA NG ILEGAL NA DROGA, NASABAT SA ISANG LALAKI SA DAGUPAN CITY

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad sa: Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Francis”,28 anyos, residente sa lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34,000 kabilang ang isang motorsiklo at boodle money.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments