P4-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang construction worker sa Binangonan, Rizal

72

Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) NCR, PDEA Regional Office 4A, Rizal Police Provincial Office (PRO), at Binangonan Municipal Police Station sa pangunguna ni PLtCol. Ferdinand Ancheta sa ilalim ng supervision ni Director III Adrian G. Alvariño ang isang construction workers na hinihinalaang drug pusher nang magsagawa ng buy-bust operation sa Manila East Rd. Brgy. Pag-Asa, Binangonan, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Francis Fereira, alyas “Kuya”, 35-anyos, construction worker, residente ng Bagoumbayan, Angono, Rizal.

Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang 600 gramo ng shabu na tinatayang may street value na ₱4,080,000, isang unit cellular phone, isang ID card at dalawang tunay na ₱1,000 na nakalagay sa ibabaw ng bundles ng boodle money at isang paper bag.

Paglabag sa Section 5 of Art. II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments