P4 million assistance, ibinigay ng Valenzuela City sa mga taga-Isabela at Cagayan na apektado ng bagyo

38

Nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City sa mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela.

Aabot sa P4 million na halaga ng assistance ang ibinigay ng Valenzuela sa mga lokal na pamahalaan ng dalawang lalawigan.


Makakatulong ang halagang ito para sa muling pagbangon ng Cagayan at Isabela na lumubog sa baha noong bagyo.

Namahagi rin ng bigas ang ipinadalang team ng Valenzuela City Government para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Nauna na ring nagpaabot ng cash assistance na P6 million ang Valenzuela para naman sa mga taga-Bicol na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Facebook Comments