P420-Million insurance claims para sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot, nakahanda na

118

Handa nang ipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corp. Ang P420-Million insurance claims para sa mga magsasakang apektado ng matinding tagtuyot.

 

Ayon kay PCIC President Jovy Bernabe – ibinase ang halaga ng insurance sa notices of loss na inihain hanggang noong March 15.

 

Ilalabas ito sa susunod na dalawang linggo para sa 36,338 magsasaka sa buong bansa.

 

Sa inilabas na initial assessment ng Department Of Agriculture na nasa P464.3 Million halaga na ng bigas at mais ang napinsala hanggang noong marso 11 dahil sa epekto ng El Niño.

Facebook Comments