P43.7-M PONDO MULA SA BRITISH GOVERNMENT, IPINAMAHAGI SA “RIVER IS LIFE PROJECT” SA CAGAYAN

CAGAYAN – Ipinamahagi ng British government ang P43.7-M na pondo sa Cagayan partikular sa mga bayan ng Peñablanca, Alcala, at Baggao para sa proyektong River is Life o Karayan Ket Biag na layong pangalagaan ang mga ilog sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng Zoological Society London, sinimulan ang apat na taong proyekto noong 2024 at inaasahang magtatapos sa 2027.

Personal na bumisita si UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils at Economic and Climate Counsellor Lloyd Cameron upang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at partner-agencies tulad ng BFAR at DENR.

Ayon kay Ambassador Beaufils, prayoridad ng UK government ang biodiversity conservation sa Pilipinas.

Kabilang sa proyekto ang pagtatatag ng mga fish sanctuary, pagsasagawa ng environmental assessment, at pagpapatibay ng proteksyon sa mga likas na tirahan ng isda.

Dagdag ni Cameron, layunin ng programa na ipabatid sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa biodiversity para sa ekonomiya at pag-unlad ng komunidad.

Facebook Comments