P47 convenience fee ng Meralco sa kanilang application, inialis na

55

Pumayag na ang Manila Electric Company (Meralco) na alisin ang P47 convenience fee para sa mga kostumer na nagbabayad ng kanilang mga bill online habang nakataas ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.


Ayon kay Meralco President at Chief Executive Officer Ray Espinosa, hindi sisingilin ang online payment fee sa mga consumer kung magbabayad ito ng kanilang bill gamit ang mobile banking apps sa halip na Meralco app.

Pag-aaralan din aniya ng Meralco kung paano pabababain ang halaga ng online bills payments na isinasagawa sa pamamagitan ng Meralco app.

Facebook Comments