P5-B dagdag na pondo para sa returning OFWs inaprubahan na ni Pangulong Duterte

34

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P5 bilyong pondo para sa umuuwing Overseas Filipino Workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagamitin ang pondo para sa repatriation ng mga OFW.


Gagamitin din aniya ang pondo sa pagbabayad ng mga hotel para sa kanilang quarantine.

Matatandaang sagot ng pamahalaan ang gastusin sa quarantine ng mga OFW sa mga hotel pati na ang kanilang mga swab test.

Facebook Comments