P530K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Mandaluyong at Pasig

Nasa 78 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P533,400 ang nasabat ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Mandaluyong at Pasig kagabi.

Unang sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay sa Barangay Addition Hills pasado alas-10:30 kung saan nakuha ang P54,000 halaga ng iligal na droga.

Naaresto rin ang mga suspek na sina Ernan Macaspac Madridano, 39 anyos at Jun Abuda Sionson, 38 anyos.


Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang Mandaluyong City Police Station Drug Enforcement Unit katuwang ang Pasig City Police sa Barangay Manggahan, Pasig.

Kaya naman naaresto ang dalawa pang suspek na sina Jeevelyn Macaraeg Tulagan, 34-anyos at Emilyn Fabila Rendal, 24-anyos.

Nakuha sa kanila ang 70.5 grams ng pinaghihinalaang shabu na may katumbas na halagang 479,400 at ang P1,000 na perang ginamit bilang buy bust money.

Nakakulong na ang mga suspek sa Mandaluyong City Police Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments