P6.5-M halaga ng party drugs, nasabat sa Pasay City

77

3,865 piraso ng ecstasy tablets mula Germany na nagkakahalaga ng Php 6,570,500 ang nasamsam ng mga otoridad sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City.

Ang nasabing package ay ideneklarang ground sheets, kung saan nakasingit sa loob nito ang mga party drugs na naka-consign sa nagngangalang Mary Grace Vergara ng 52 Sto. Niño Viejo, San Fernando, Pampanga na padala ng isang Paul Karl mula Germany.


Na-detect ang laman ng package nang dumaan ito sa x-ray scanning at physical examination.

Ang party drugs ay nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments