P6.5-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa isang warehouse sa Malabon

43
COURTESY: Bureau of Customs PH

Nasa 6.5 milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Malabon City.

Isinagawa ang raid noong Miyerkules sa isang warehouse sa Barangay Tugatog.

Narekober sa warehouse ang 196 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BOC para matukoy ang may-ari ng mga produkto gayundin ang may-ari ng warehouse.

Posibleng maharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at sa R.A. 8424 o National Internal Revenue Code of the Philippines dahil sa pamemeke ng tax stamps.

Facebook Comments