Umabot sa P6.59 milyon ang halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasamsam ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa pinaigting nitong kampanya laban sa ilegal na droga sa buong Ilocos Region noong buwan ng Agosto 2026.
Batay sa ulat ng PRO1, nakapagsagawa ang kapulisan ng 136 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 146 drug personalities at pagkakasamsam ng mga hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang halaga na P6,596,811.20.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 926.49 gramo ng hinihinalang shabu, 660 marijuana plants, 4,000 marijuana seedlings, at 37.80 gramo ng dried marijuana leaves.
Isinagawa ang mga operasyon alinsunod sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa wastong inventory, dokumentasyon, at laboratory examination bilang bahagi ng proseso ng imbestigasyon at paghahain ng kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









