P6.7-B na financial assistance, naipamahagi na sa NCR+ beneficiaries – DSWD

25

Nakamapamahagi na ang mga lokal na pamahalaan ng ₱6.7 billion na halaga ng cash assistance sa 6.7 million low-income earners na nakatira sa NCR plus bubble sa harap ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, nasa 6.7 milyong benepisyaryo ang naabutan na ng ayuda sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.


Katumbas ito ng 29-percent ng 22.9 million target low-income beneficiaries.

Sa NCR, nasa 4.4 million na residente ang nabigyan ng financial aid mula sa 11.1 million recipients.

Ang Cavite, Laguna at Rizal ay nakapamahagi na ng higit ₱1.8 billion na financial assistance sa higit 1.87 million beneficiaries.

Kabuuang 352,458 recipients ang nakatanggap ng ayuda sa Bulacan na nagkakahalaga ng ₱352.45 million.



Facebook Comments