P61,000 halaga ng shabu, nakumpiska ng Sta. Ana Police sa dalawang drug suspek

56

Aabot sa 61-libong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Sta. Ana Police sa Maynila sa dalawang drug suspek.

Kinilala ang mga drug suspek na sina Marvin Mariano alyas Ambeng, 22 anyos at Nomer Delos Reyes, 30 anyos, kapwa residente ng San Andres Bukid Manila.


Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng Anti-illegal Drug Operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng limang plastic sachet ng shabu na may bigat na syam na gramo na may street value na 61,200 pesos.

Partikular na nahuli ang mga suspek sa drug operation sa Radium Street, San Andres Bukid Manila.

Ang mga suspek ay nakakulong na ngayon at nahaharap na sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments