P679,000 na halaga ng shabu, nakumpiska sa sunud-sunod na buy-bust sa Makati

31

Aabot sa P679,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa sunud-sunod na buy bust ng mga otoridad sa Makati City.

Arestado ang isang Marlon Mina, alyas “Mamat” matapos magsagawa ng buy bust ang Station Drug Enforcement Unit at at Intel operatives ng Makati City Police sa bahagi ng Pili Avenue, Barangay West Rembo.


Nakuha sa suspek ang apat na piraso ng sachet ng shabu na may timbang na 18 grams at may street value na P122,400.

Hinuli naman ang isang Bili Rose Babon Cholo matapos niyang bentahan ang isang police poseur-buyer ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa isang buy bust sa Kalayaan Avenue, Barangay West Rembo, Makati City.

Dalawang drug personalities naman na kinilalang sina Hubert Dale Irinco at Jimmy ang nasakote sa buy bust sa No. 1274 Cetuar Street, Barangay Rizal, Makati City.

Nakumpiska sa mga ito ang anim na sachet ng shabu na may timbang na 11 grams at street value na P74,800, isang caliber .45 at mga bala at mga drug paraphernalia.



Ang mga ebidensyang nasamsam ay ipinasakamay na sa mga operating units para sa proper disposition at documentation habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng “Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002” ang mga arestadong drug suspects.


Facebook Comments